Tagged: Miniloc Island

Feb 24

Palawan 1999: Day 8

May 1, 1999

We were finally able to go to El Nido this day despite the big waves. And before settling there, we went island hopping first in Bacuit Archipelago. We were able go to Miniloc Island where they get the famous delicacy bird’s nest.

El Nido (Stitched Photos)

El Nido (Stitched Photos)

Dear Ate Aurea, Ate Ge, Ate Jo, Ate Sanna and Kuya David,

Kamusta na kayong lahat? Sana ay okay lang kayo dyan. Kami ay okay na okay dito. Maaga kaming gumising ngayon kase nga ay pupunta kaming El Nido. Kahit na medyo malakas ang alon ay tumuloy na din kami. Umalis kami ng 6 am at hindi na kami nag breakfast kase matagal yung boat ride. Nagbaon na lang kami ng tinapay. Dumaan kami ng South China Sea kaya medyo malakas ang alon. mga four hours and a half yung boat ride at minsan ay humihinto kami sa gitna ng dagat para magsalin ng gasolina. Dumating kami sa Bacuit Archipelago ng mga 10:30 am.

Siyempre maraming mga islands dito kaya ito tinawag na archipelago. Una naming hinintuang island ay ang Pinaglubagan or Paglubagan Island. Dito kami kumain ng lunch at ang ulam namin ay ang walang kamatayang Century Tuna. Kami din ang nag-provide ng pagkain nila Mr. Lonely at nila Lolong. Hindi na ko nag-swimming kase medyo marami ding jellyfish dito. Tapos ay umikot kami doon sa may dalawang lagoon. Yung isa ay malaki at yung isa naman ay hindi namin nakita kase kailangan mo pang umakyat don sa mga bato. Ang huling pinuntahan namin ay yung Miniloc Island. Nahandito yung tinatawag nilang bird’s nest. Sandali lang din kami dito kase kelangan na daw namin umalis bago mag high tide. Meron ding lagoon na malapit dito at lulusot ka naman sa isang butas na maliit para makapasok dito. Hindi na ko sumama sa kanila pagpunta dito.

Nung papunta na kaming El Nido ay naabutan kami ng ulan. Medyo malakas din ito at ang lamig lamig. Buti na lang ay malapit na din kami. pagdating namin ay naghanap muna sila Carl-O ng cottage na tutuluyan namin at naiwan naman ako sa bangka. nagbayad na din sa kin si Mr. Lonely at umalis na din siya. Ang tinuluyan namin ay ang cottage ni Aling Gloria. Nagpahinga na kami pagkatapos at si Carl-O naman ay nag-jogging muna. Gusto sanang kumain ni Carl-O nung tinapay na baon namin kaya lang pagtingin ko ay nasa basurahan na yung plastic nito. yun pala ay kinain na ito ni JimmyBody.

Nung gabi ay naghanap kami ng makakainan. Mahirap din dito kase kelangan mag-advance order ka. Bumili muna kami ng pagkain para bukas habang nag-aantay maluto ang pagkain namin. Sa Ric Sons kami kumain at ang inorder namin ay spicy squid, squid adobo at chopsuey. Siyempre bumili din kami ng dessert na pan de coco. Pagbalik namin sa cottage ay nagkantahan muna kami ng children’s songs bago matulog. Sleep na ko, babay. Bukas pala babalik na kami ng Port Barton.

Boogie

P.S. Ang dami-daming tuko dito!

0
comments