Tagged: Lovers Moon

Feb 20

Palawan 1999: Day 7

April 30, 1999

This day is pretty uneventful. We weren’t able to go to El Nido because of the big waves. We woke up at dawn and saw a very beautiful and bright moon… lovers moon!

Dearest Juts, Louise and Maribic,

Kamusta na kayong tatlo? Nami-miss ko na kayo! Alam niyo hindi kami natuloy papuntang El Nido ngayon, kase malakas ang alon. Sayang nga eh, maaga pa naman kaming nagising. Pero okay lang kase nakatulog naman kami ulit, at isa pa ay nakita namin yung moon… and ganda-ganda! Si JimmyBody don ulit natulog sa cottage at kami naman ni Carl-O ay sa hammock. Maya-maya ay lumipat na din kami sa cottage kase maaraw na. Nagising kami nung lunch time na. Ngayon hindi na kami nakakaawa kase pinahiram na kami nung binilan namin ng rice ng pinggan. Ulam namin ngayon ay sardinas na may maraming sibuyas. Sayang walang kalamansi no?

Pagkatapos kumain ay ako ang naghugas ng mga pinagkainan at pinaglutuan namin… galeng ko no? Wala kaming ibang ginawa kundi magbasa ng book at matulog, minsan naman ay kumakanta na lang kami. Sobrang wala kaming magawa pero okay lang. Meron ding waterfalls dito kaya lang natatamad na kaming magpunta don eh. Before dinner ay bumili ulit si Carl-O at JimmyBody ng pagkain namin para ngayon at bukas at ako naman ay nagbayad na nung cottage namin at bumili din ako ng rice. Complete yung dinner namin ngayon… may soup at dessert at candle-lit pa. After dinner ay naghugas ulit ako ng mga pinaglutuan at kutsara’t tinidor… si Carl-O naman ang naghugas ng pinggan, takot kase ako baka mabasag ko. Pagkatapos non ay nag-ayos na ulit kami ng gamit kase bukas na kami pupunta ng El Nido. Ngayon, matutulog na ko kase tulog na sila eh. Goodnight!

Boogie

P.S. Sana hindi na malakas yung alon tomorrow no?

0
comments