Feb 27

Palawan 1999: Day 10

May 3, 1999

This is THE travel day of all our travel days in this Palawan trip. We literally traveled the day with a few scheduled and unscheduled stopovers. We were on the road already from 6 am and got to Puerto at 2:30 am the next day… yeah it took us that long. We had an unscheduled stop in Roxas and had to switch to another bus because the bridge was under repair and the jeep couldn’t pass through. It was a blessing in disguise though for we were able to stop by Santa Monica Fort while waiting for our ride. And we met Mic Looby, Lonely Planet Publications author, on the bus too. Then that night, our bus was traveling without headlights. Haha!

Dear Ate Pie, Ate Girlie, Kuya Mico and Tatay NiƱo,

Musta na kayo? Long time no see ha. Andito pa din kami sa Palawan pero bukas uuwi na kami ng Manila. Maaga kami ulit gumising kanina kase maaga yung alis ng jeep. Pero medyo matagal din kaming nag-antay bago to nakaalis. Nakakaaliw yung jeep kase yung upuan nito parang yung upuan sa bus. Mga 10 am na din kami nakaalis kase madami pa tong sinundo na mga sakay. Grabe yung dinaanan namin. Meron kaming dinaanan na yung tubig yata eh halos hanggang bewang na. Kaya pala pinataas lahat ng gamit don sa floor nung jeep kase baka pasukin ng tubig. Tapos meron pa don na pataas na sobrang lambot ng lupa. Nung malapit na kami sa Taytay ay ginagawa pala yung tulay dito at 5 pm pa bubuksan. Buti na lang ay may mga tricycle na nag-aantay dun sa kabilang side ng tulay. Iniwan na lang muna namin yung gamit namin sa jeep at nag-tricycle na kami papuntang Taytay.

Pagdating namin sa Taytay ay kumain muna kami don sa place na pagkikitaan namin ng jeep. Ang inorder namin ni Carl-O ay adobong pusit at si JimmyBody naman ay baboy damo. Sobrang lapit lang ng Fort don sa kinainan namin. Naisip ni Carl-O na blessing in disguise yung nangyari kase dapat talaga ay hindi na kami makakadaan sa Fort. Pumunta kami doon at nag-picture taking. Maya-maya ay sinundo na kami nung mamang jeep at sinabi na magta-transfer na kami don sa bus. Umalis sandali yung bus at kinuha yung mga gamit namin don sa jeep. Medyo natagalan din sila kaya akala namin tuloy ay hindi na to babalik. Pagbalik nito ay nag-antay pa kami kase ayaw umalis nung bus ng konti lang ang sakay kase lugi daw sila. Ginawa na lang ay kung magkano yung ibabayad namin sa jeep ay ganon din yung ibabayad namin sa bus. Mga 4:30 pm na kami nakaalis ng Taytay.

Dito namin nakilala sa bus sina Raphael at Mic Looby. Si Raphael ay tiga england din kagaya ni Mr. Lonely at si Mic naman ay tiga-Australia. Si Mic ay nagwo-work sa Lonely Planet Publications. Malubha yung trip pabalik ng Puerto. Sabi nga ni Carl-O na para kang nasa loob ng blender dahil sa lubak. Di bale sana kung maigsi lang, mahahaba yung mga sobrang rough road. Nung gabi na ay nag-stopover kami sa Roxas para mag-dinner. Kasabay namin kumain sina Raphael at Mic. Ang kinain naming tatlo ay beef steak at sina Mic at Raphael ay puro crackers lang. Nagkwentuhan muna kami at nanood ng TV kase yung bus ay nagpapa-recharge pa ng battery… wala na kase kaming headlight nung papuntang Roxas. Siyempre maya-maya lang eh nawalan na naman kami ng headlight kaya mabagal lang yung takbo ng bus. Tapos siyempre lubak-lubak pa din yung daan. May nadaanan kaming isang malaking lubak. Wawa naman Carl-O and Boogie, kase si Carl-O natutulog sa lap ko, tapos nung nalubak kami nauntog siya don sa sandalan nung chair sa harap namin, ako naman nalaglag dun sa chair ko… ganon kalaki yung lubak! May maganda naman kaming view na nakita… yung moon! Maliwanag siya tsaka yung light niya nagre-reflect sa water. Ganda no?

Nakadating kami ng Puerto mga 2:30 am na. Naglakad na lang kami papunta don sa tutulugan namin. Nag-check in kami sa Puerto Pension. Ba-bye… tulog na kami kse antok na eh.

Boogie


comments

Reply

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word


Comments links could be nofollow free.