Feb 25

Palawan 1999: Day 9

May 2, 1999

Instead of going back to Port Barton, we decided to stay for one more night in El Nido to make our stay there worth the while. And we didn’t do any outdoor stuff that day, we just rested, ate, slept and walked around the town the whole day.

Dear Kuya Vince and Kuya Ron,

(Sung to the tune of Jollibee…) Dalawang tulog na lang, Manila na naman. Ang araw lulubog, bukas mabubugbog sa jeep na sasakyan pabalik ng PPC. Twelve hours ‘to, pwede ding sampu, antay ka lang Puerto nandiyan na ko. Pagkatapos ng Palawan, go home na kami.

Hay buhay! Kamusta na kayo? Kami malapit na kaming bumalik dyan sa Manila. Nakakalungkot naman. Hindi na kami tumuloy pabalik ng Port Barton kase naisip namin na sayang naman yung punta namin sa El Nido. Ginawa namin ay dinagdagan na lang namin yung bayad kina Lolong. Magsta-stay kami dito ng isa pang night tapos magjee-jeep na lang kami pabalik ng Puerto Princesa. Hindi naman pala kase sira yung daan kagaya ng sabi nila.

Kanina bumili kami ni Carl-O ng rice tsaka ng dessert habang nagluluto si JimmyBody. Nag heavy breakfast kami kase nga akala namin babalik kami ng Port Barton. Pagkakain ay si Carl-O ang naghugas ng mga pinag-kainan kase daw nagui-guilty siya kase feeling niya nahawa na kami ni JimmyBody sa katamaran niya. Gusto sana magpunta ni JimmyBody dun sa waterfalls kaya lang ay tinatamad na kami ni Carl-O kaya ayun, natulog nalang si JimmyBody. Siyempre natulog din kami ni Carl-O sa hammock. Nagising na lang kami kase umuulan na. Si JimmyBody naman ay umalis habang natutulog kami.

Paggising namin ni Carl-O ay andon na ulit si JimmyBody. Naglakad pala siya hanggang don sa dulo ng beach. Kami naman ni Carl-O ay lumipat ulit doon sa hammock. Kakain sana si Carl-O nung natira naming dessert kagabi kaya lang nakain na pala to ni JimmyBody. Around 4 pm ay nag-advance order na kami ng dinner at pumili ng table. Naglakad muna kami sa paligid-ligid habang nag-aantay ng 7 pm para sa dinner. Ang kinain ko ay calamares, si Carl-O club sandwich at vegetable salad, at si JimmyBody naman ay pork chop. Lahat kami ay umorder ng calamansi juice.

Pagkatapos naming kumain ay bumili muna kami ulit ng dessert bread at pagbalik sa cottage ay naglaro muna sila ng cards at ako naman ay nagbasa ng book. Ngayon naman ay matutulog na kami. Magandang gabi!

Boogie


comments

Reply

*
To prove you're a person (not a spam script), type the security word shown in the picture. Click on the picture to hear an audio file of the word.
Click to hear an audio file of the anti-spam word


Comments links could be nofollow free.