Kamusta sa lahat? Pasensiya na at medyo matagal akong nawala sa LP. Ngayon, ako ay nagbalik… at muli kang nasilayan… ay kanta pala yon! Haha!
Narito ang lahok ko para sa linggong ito…

Ito ang isa sa mga pinakabagong laruan ko ngayon. Isa itong kamera na ang pangalan ay Oktomat. Gawa ito sa plastik pati ang mga lente… oo, mga lente! Meron itong walong lente at kapag pinindot mo ang shutter ay mahahati ang isang kwadro ng litrato sa walo. Para mas malinaw, eto ang isang halimbawa ng kuha nitong kamera na to…

Parang wala lang pero diba nakakatuwa? Paulit-ulit lang. Pero dito ako pinaka-natutuwa… tignan niyo ang kalalabasan pag ginawang animated ang larawan na ito…

O diba ang kulet? Haha! Para na siyang maigsing pelikula diba?
Sana po ay nagustuhan niyo ang lahok ko para ngayong linggong to. Magandang araw sa lahat!
—————————————-
This is my entry for Litratong Pinoy this week. This is one of my newest toys… it’s a camera called Oktomat. It is made entirely of plastic, well, except for the screws, and even the 8 lenses are plastics. A single press of the shutter will capture 8 shots, dividing one frame into 8. I know the sample shot doesn’t look extraordinary but I really love it when you turn it into an animated gif. It’s almost like a mini movie.

