Category: Litratong Pinoy

Apr 03

LP: Totoo (True)

Magandang Huwebes mga ka-LP! Tamng-tama pala para ngayong araw na ito ang tema. Dahil ngayon ay April Fool’s Day, kadalasan ay nag-aalinlangan tayo sa mga sinasabi ng mga tao kung totoo ba ito o hindi. Katulad ako, napapaniwala na ako ng dalawang tao ngyaong araw na to, yun pala ay nagbibiro lamang sila. Di bale sana kung biro lang, masama ay kapag naloko na. Mabuti pa ay mag-ingat na lang tayo ngayong araw na to. Narito ang aking lahok…

Litratong Pinoy: Totoo

Ito ay angĀ  Ingles ng “totoo” sa diksiyonaryo at ang katumbas nito sa salitang Koreano. Sinusubukan kong aralin ang lenguaheng Koreano at natutuwa naman ako dahil nakakabasa at nakakasulat na ako ng Hangul. Pero kaunti pa lamang ang mga alam kong salita at medyo mahirap ang pagbuo nila ng pangungusap.

Sana ay nagustuhan niyo ang lahok ko.

—————————————-

Happy Thursday everyone! The theme for this week is perfect for April Fool’s Day. We should think twice today before believing what other might say today or we might get fooled, I already was… twice. Haha!

My entry for today is the English and Korean translations of the word “totoo.” I am trying to learn Korean right now and so far, I can already read and write Hangul. But I still need to build up my vocabulary and learn about their sentenceĀ  construction, which is pretty complicated.

Anyway, I hope you liked my entry. Happy LP!

0
comments

Mar 25

LP: Plastik (Plastic)

Kamusta sa lahat? Pasensiya na at medyo matagal akong nawala sa LP. Ngayon, ako ay nagbalik… at muli kang nasilayan… ay kanta pala yon! Haha!

Narito ang lahok ko para sa linggong ito…

Litratong Pinoy: Plastic

Ito ang isa sa mga pinakabagong laruan ko ngayon. Isa itong kamera na ang pangalan ay Oktomat. Gawa ito sa plastik pati ang mga lente… oo, mga lente! Meron itong walong lente at kapag pinindot mo ang shutter ay mahahati ang isang kwadro ng litrato sa walo. Para mas malinaw, eto ang isang halimbawa ng kuha nitong kamera na to…

Parang wala lang pero diba nakakatuwa? Paulit-ulit lang. Pero dito ako pinaka-natutuwa… tignan niyo ang kalalabasan pag ginawang animated ang larawan na ito…

O diba ang kulet? Haha! Para na siyang maigsing pelikula diba?

Sana po ay nagustuhan niyo ang lahok ko para ngayong linggong to. Magandang araw sa lahat!

Sali ka sa .

—————————————-

This is my entry for Litratong Pinoy this week. This is one of my newest toys… it’s a camera called Oktomat. It is made entirely of plastic, well, except for the screws, and even the 8 lenses are plastics. A single press of the shutter will capture 8 shots, dividing one frame into 8. I know the sample shot doesn’t look extraordinary but I really love it when you turn it into an animated gif. It’s almost like a mini movie. :D

0
comments

Jul 22

Litratong Pinoy: Nakakakilabot (Hair-raising)

Magandang Huwebes mga ka-LP! Eto ang aking nakakakilabot na lahok para ngayong linggong ito.

Nakakakilabot (Hair-raising)

Hindi ba’t nakakakilabot kung foggy ang paligid? Hindi mo makita kung ano ang merong nakatago sa likod ng fog. Ganyan ang mga kinatatakutan kong horror movies… yung tipong hindi mo nakikita ang mga salarin… yung mala-Blair Witch Project. Siguro mga isang linggo akong hindi makatulog ng patay ang ilaw. Haha! Napanood nyo na ba ang The Mist? Diba sobrang foggy? Pero di ako masyadong natakot don… natangahan lang ako sa characters. Haha!

Eniwey, ang larawan na ito ay kuha sa tabing daan mula Banaue papuntang Sagada.

Sali ka sa .

——————–

This is my hair-raising entry for this week’s Litratong Pinoy.

Isn’t it a bit scary when it’s foggy around you? You can’t see what’s behind the fog. Horror movies like this is what really scares me… movies where you can’t see the villain… kinda like the Blair Witch Project. It took me about a week before I could finally sleep with the lights off. Haha! Have you seen The Mist? Wasn’t that a really foggy? But that movie didn’t scared… I just thought the characters were a bit stupid. Haha!

Anyway, this photo was taken on the road somewhere between Banaue and Sagada. Happy Thursday everyone!

1
comments

Jul 15

Litratong Pinoy: Tuyo (Dry)

Magandang Huwebes mga ka-LP! Eto ang aking lahok para ngayong linggong ito.

Tuyo (Dry)

Ang payong! Napaka-laking tulong nito sa atin. Kung tag-tuyo ay magagamit ito para di tayo masunog ng init ng araw. Kung tag-ulan naman ay magagamit ito para manatili tayong tuyo.

Sali ka sa .

——————–

This is my entry for this week’s Litratong Pinoy theme which is dry.

The umbrella. This is a necessity for our everyday lives. During the dry season, it keeps us from getting burned by the sun. During the rainy season, it keeps us dry from the rain.

Happy Thursday everyone!

Camera: Holga 120 GCFN
Film: Fuji Provia 100F - X-Pro

0
comments

Jul 09

Litratong Pinoy: Basa (Wet)

Magandang Huwebes mga ka-LP! Eto ang aking lahok para ngayong linggong ito.

Basa (Wet)

Eto ang tinatawag na “Basa Sa Dagat.” O, diba parang title ng x-rated movie? Haha! Eto ay ang aking pamangkin. Kinukuhanan ko ang paglubog ng araw at ng pagtalikod ay bigla na lang siyang bumulaga sa harap ko. Buti na lang hindi ko nabitawan ang kamera ko!

Sali ka sa .

——————–

This is my entry for Litratong Pinoy’s theme this week which is wet. The girl on the photo is my niece. I was taking shots of the sunset and when I faced the other way, she suddenly popped in front of me, startling me. Good thing I didn’t drop my camera in the water.

Happy Thursday everyone!

Camera: Vivitar Ultra Wide & Slim
Film: Fuji Velvia 50 - X-Pro

0
comments